Friday, March 18, 2005

dreamlike but absolutely real

Habang nakasakay kami sa jeep papuntang opisina, napag-usapan naming yung isa naming ka-opisina na 31 years old na at single all her life.

“Kasi ang gusto niya eh ung pang-TV, pang-pelikula. Masyado siyang idealistic. Wala siyang idea kung paano ang totoong relasyon.” ang hirit ni lei.

“Eh di bale yun nga yung idea niya ng relationship. Kung ano ang nakikita niya sa iba. Pero may idea pa rin siya. “ sabi ko naman.

“Oo nga. Pero hindi makatotohanan yung idea niya. Yung tipo na gusto niya na pag ikukuwento niya sa iba eh parang sine. Eh hindi naman ganun sa totoong buhay.” si lei ulit.

“Bakit? Nangyayari naman yun ah. Tingnan mo yung atin…” kabig ko sabay ngiti.

Napahilamos ng mukha si lei sa sinabi ko kaya dinugtungan ko pa.

“Isipin mo kung gagawa tayo ng pelikula, ito yung huling eksena.”

“Oo nga ‘no? May comedy, may action, may drama…” nag-give in na si lei sa kalokohan ko.

“Tapos yun ang huling line. May comedy, may action, may drama…” ngumiti na din si lei.


Syempre, may mga supporting role sa munting pelikula ng aming buhay.

Andiyan si ghe, ang bestest best friend ni lei na nung nagkakilala sila eh toddler years ko pa lang.

Andiyan si lhyn, ang secretary sa aming opisina na na-witness ang kasimula-simulaan namin ni lei.

Ang nanay ni lei na hanggang ngayon ay di ko pa alam kung ano ang itatawag sa kanya. Mahilig sa biscocho at champy si nanay. Pasimpleng maglambing at nung nakita ko yun ay na-realize ko na kung kanino nagmana si lei.

Isang taon na po ang comedy, action at drama sa buhay namin ni lei. Isang taon na pong feeling namin ay may hidden camera sa bahay namin dahil sa tuwing may naiisip kaming tagline para sa isang produkto eh mapapanood na namin sa TV bukas-makalawa. Isang taon na din ang mga pang-sitcom naming hiritan. Isang taon na pero ni hindi ko naramdamang dumaan ang taon. Araw-araw ay parang isang bagong simula. Araw-araw ay nadaragdagan ang aking pagmamahal para sa kanya. Araw-araw ay nakikita ko ang aking habambuhay na siya ang kasama.

Yup, I would still send her a valentine, birthday greetings, bottle of wine when we’re 64.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home