Friday, September 24, 2004

where's rona

alam n’yo ba yung game na where’s wally? ‘yung may picture tapos hahanapin nio dun si wally, yung payatot na naka-stripes na white and red. Ganun lagi namin ginagawa kay rona (although hindi siya payatot pero nags-stripes siya… lakas ng loob!) pag may tropa pic. Si rona kasi eh bihira na nakukunan ng buo. Minsan buhok lang niya yung nasa pic, o kaya braso… basta isang body part lang niya. Kung nakukunan man siya ng buo (aksidente lang) eh kung ano-ano naman ang hitsura! Andyang naghihikab o kaya nagkakamot o kaya nakanganga kasi nagsasalita pala. In short, bihirang-bihira na may maayos na pic si rona. So yun! Naging ugali na sa tropa na pag napa-develop na yung film (after forty years) eh where’s rona na ang laro.

Pero pwede mo lang matanong yung where’s rona pag taropa ka na. syempre, sa una, ang tanong eh who’s rona? Si rona ay, ilang beses ko nang narinig ito, gustong makasama ng mga tao pag na-trap sila sa isang island. Yup, totoo yan. Despite the fact na hindi marunong lumangoy si rona, hindi mo siya maaasahang maglakad maghapon para maghanap ng safe na spot para tulugan, at kung nagkataon naman na may malapit nang safespot ay hindi mo siya maaasahang gumawa ng shelter. Totoo yan. so bakit pa din siya pinipiling makasama? kasi kayang-kaya ka niyang na tulungang makalimutan na you’re trapped in a deserted island. She’ll make you see the beauty of the stars and the moon pag gabi na at hindi ang fact na wala kayong apoy. Tutulungan ka niyang ma-enjoy mo ang feeling ng dagat sa paa mo. Mamumulot kayo ng shells sa tabing-dagat. She’ll make you feel na it’s a vacation and not a tragedy. That’s rona. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home